Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw umalis ng karamihan sa atin sa Windows operating system ng Microsoft ay ang pangambang wala sa lilipatan nating OS–Linux man o Macintosh–ang mga ginagamit nating software.
Nitong linggong ito, nakuha na namin ang bagong MacBook ni M. Siyempre, kinalikot namin ang bagong laruan. Nag-install agad ako ng applications na wala sa original package. Isa sa mga una naming naisip ay kung paano maii-sync ang kanyang Palm sa bagong laptop.
Natuwa naman ako nang malaman kong mayroon nga palang Palm Desktop para sa Mac. Na-download at na-install ko na ang software. Kaya lang, susubukan pa namin ang power nito kapag ginawa na ang aktuwal na hotsync.
Sana, gumana ito nang maayos. 🙂
Leave a Reply