Habang hinihintay natin ang napapaulat na paglabas ng Treo 500, ikukuwento ko muna sa inyo itong nadiskubre kong Palm application para sa Twitter addicts na Treo users.

Sa Palm blog ko nakita itong TreoTwit. Kailangang i-download at i-install ang TreoTwit, at siyempre dapat may Internet connection ka para makapag-post ng updates. May links din ang TreoTwit papunta sa Twitter pages na kapag pinindot ay mabubuksan sa Blazer o alinmang browser na gamit mo.

Ito ang link papunta sa unang post ko gamit ang TreoTwit. Yung nga lang, hindi mo maa-identify bilang galing sa TreoTwit dahil from Web lang ang label nito.