Noong Pebrero, isang kapwa ko miyembro ng Mapalad.org ang nagpadala ng private message sa akin. Tinatanong niya ang opinyon ko sa kung ano ba ang dapat niyang bilhin: Treo 650 o treo 680? Narito ang slightly edited na sagot ko:

Thank you for your message and for visiting MakaPalm. Balik ka. :)

I was actually looking for a Treo 680 when I bought my Treo 650 last year. However, my budget of around P13,000 unit was not enough for even a second-hand Treo 680.

A brand-new 650 still costs more than P30,000 now, while the 680 is almost P25,000. But still, a second-hand 650 is way lower than a 680. Wala ka pa yatang mabibiling 680 na below P10,000 pero yung 650 could be as low as 7,000

So, if you’re like me na budget ang primary consideration, sa Treo 650 ka na lang muna.

But if you’re willing to spend a little more, and you want a lighter phone with a higher memory at may screen rotation, go for the 680. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang models except for that. Check out this May 2007 comparison chart: [link]

Honestly, kung may sapat na funds lang ako, I would buy a 680. Kasi nga, mas maluwag sa bulsa, literally at mas mataas ang memory. Pero hindi yun nangangahulugang hindi ako satisfied sa 650. You must have read my old post about it, na all-around device talaga ang Treo 650.

I have to admit, though, na itong unit ko ay napapadalas ang pag-hang kapag may mga experiment akong ginawa like trying out new programs, especially yung Opera for Palm dati. O ngayong sinusubukan kong i-share ang Internet connection ng PC ko sa kanya.

Pero my remedy naman dito. Una, wag masyadong makulit gaya ko. Just install the software you really, really need. Kung magloko, you could always do a hard reset to clear out old unnecessary files that clutter its memory. And because it’s Palm, the entire process of back up and restoration is very easy. That will be a subject of a future entry ko sa MakaPalm.

So yun, if money is not a problem, get a Treo 680. But if you want to be practical, try a second-hand Treo 650. Ingat lang sa bibilhan.

Another option is to wait for the upcoming model expected to be launched later this month — yung Palm Centro. Hindi siya kamukha ng 650 or 680. Designed for new smartphone users, it’s smaller and has a better camera. The expected price range for a brand-new unit is P15,000 to P20,000.

Sana nakatulong ito sa pagdedesisyon mo. :)

Ederic/Tembarom

Note: Di pa naii-launch sa Pilipinas ang Palm Centro.